#maq
Ang Microinsurance at Mutual Benefit
Associations (MBAs) ay kapwa tulad ng lubid na ginagawa mula sa maliliit na
hiblang pinagsama-sama upang kumapal at tumibay. Sa microinsurance, ang munting
kontrobusyon ng mga MBA members ay ini-ipon-ipon upang lumago at makabuo ng
isang pondo na mapagkukunan nila ng panggastos kapag my dumating na dagok sa
kanilang buhay.
"Sino ba ang pwedeng magkaroon
ng microinsurance? Ano ba ang pakinabang nito? Paano bang maging miyembro ng
MBA? Madali bang maintindihan ang microinsurance? Save ba ang pera ng mga
miyembro na hawak ng MBAs?"
Ang aklat na ito ay aakay sa bawat
Pilipino upang maintindihan ang microinsurance at ang mekanismo ng MBAs at ng
sa gayon ay ma-encourage ang lahat na itaguyod ang pagbubuklod, pagpapalakas, at
pagpapa-unlad ng ating mga komunidad.